Interbensyon sa Pagpapaunlad ng Antas ng Kasanayan sa Pagbasa
MARIA MANGAMPO BARBA
, RHEA DIONEDA BRUMA
interbensyon, pagpapaunlad, kasanayan, pagbasa, deficit, coping, emerging, establishing
Nabatid sa pag-aaral na ito ang kabisaan ng nabuong interbensyon sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 6 ng Melecio J. Larosa Elementary School, Silangang Distrito, Lungsod Sorsogon, taong panuruan 2023-2024. Deskriptib-debelopmental ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito. Purposive sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok sap ag-aaral. Ito ay may kabuoang 58 mag-aaral at 3 Master Teacher. Ginamit ang RLA Tool sa Filipino para sa paunan at panapos na pagsusulit. Ginamit naman ang LRMDS Evaluation Rting Sheet for Non-Print Materials sa ebalwasyon ng mga master teacher sa nabuong interbensyon. Ginamit rin ang SaLaBigkas bilang interbensyon sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ang mga mag-aaral. Ang mga datos na nalikom ay sinuri at binigyang-interpretasyon gamit ang mean at t-test for correlated samples.
Higit na marami ang bilang ng mga mag-aaral na nasa defecit na antas kumpara sa nasa antas ng coping, emerging at establishing sa paunang pagsusulit ng RLA. Ang interbensyong nabuo ay magagamit sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang nabuong interbensyon sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay may kalidad na nilalaman, instruksyon, teknikal at katanggap-tanggap gamitin. Mabisa ang nabuong interbensyon sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasang ng mga mag-aaral. Inirekomenda na ang mga mag-aaral ay dapat na mabigyan ng angkop na interbensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na kagamitang panturo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa. Gamitin ang nabuong SaLabigkas bilang interbensyon sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Magsagawa ng seminar at worksyap sa pagbuo ng mga kagamitang panturo gamit ang makabagong teknolohiya.
"Interbensyon sa Pagpapaunlad ng Antas ng Kasanayan sa Pagbasa", IJNRD - INTERNATIONAL JOURNAL OF NOVEL RESEARCH AND DEVELOPMENT (www.IJNRD.org), ISSN:2456-4184, Vol.9, Issue 5, page no.I227-I235, May-2024, Available :https://ijnrd.org/papers/IJNRD2405825.pdf
Volume 9
Issue 5,
May-2024
Pages : I227-I235
Paper Reg. ID: IJNRD_222881
Published Paper Id: IJNRD2405825
Downloads: 000392
Research Area: Other
Country: Sorsogon City, Philippines, Philippines
ISSN: 2456-4184 | IMPACT FACTOR: 8.76 Calculated By Google Scholar | ESTD YEAR: 2016
An International Scholarly Open Access Journal, Peer-Reviewed, Refereed Journal Impact Factor 8.76 Calculate by Google Scholar and Semantic Scholar | AI-Powered Research Tool, Multidisciplinary, Monthly, Multilanguage Journal Indexing in All Major Database & Metadata, Citation Generator
Publisher: IJNRD (IJ Publication) Janvi Wave